Search This Blog

coins.ph

Thursday, April 16, 2015

Not Another Cinderella Story

Hindi ako si Darna
Hindi rin si Zhazha Saturna

Ako si Cinderella...taga Estrella


pinterest

Madami ang naaakit sa ganda ko...

magaling daw kasi akong...sumayaw at kumanta ng

♪♫♪Ayoko sana, na ikaw ay mawawala...mawawasak lamang ang aking mundo oh ohwow...♪♪♪♫

favorite ko din yung kanta that goes like this.."♪♫♪ Sayang na sayang talaga...pagmamahal na alay sayo oooh ♪♫♪"...die hard fan ako ng Aegis Band...ang gagaling kasi nilang bumirit tulad ko...noon pa kahit ako'y munti pang bata...ito na ang mga kantang inaabangan ko sa radyo at TV.

Bilang si Cinderalla ang peg ko...lagi akong api...sawi...at talunan.

Sa bahay ako lagi ang inuutusang bumili ng suka...toyo...paminta...dahon ng laurel..bawang at sibuyas...sabi ko sa sarili ko...malamang magluluto ng adobo si inay..sarap..mapaparami ako ng kain nito...di nga ako nagkamali..nagluto si inay ng adobo - kangkong...masarap naman siya..pasok sa banga.

After nun, ako na naman ang toka sa hugasan...ako na rin ang magsasalok ng tubig sa batis....charot...hehehe


Sa school naman pag pumapasok ako lagi na lang ako ang center of attention ni Mam...Cinderella late ka na naman sabi ni mam...syempre ako naman na kimi at talaga namang takot sa mga thunders eh nagpasensya na lang at nagsabi...patawarin nyo po ako mam....di ko po maiwan si itay sa bahay...may sakit po si itay mam...malala po...ano ang sakit ng tatay mo? tanong sa akin ni mam...."katam" po mam...di nya po ako pinayagang umalis ng bahay hanggang hindi nakakapag laba, nakakapag bayo --- ng bigas...ang dami ko pong binayong bigas mga sampung gatang po...nagpakain pa ho ako ng baboy mam...ang hirap ho mam...ang hirap hirap...huhuhu

Naawa si Mam at lumambot ang puso niya sa aking pagtangis...pinaupo na ako sa tabi ng basurahan...ayos lang naman sa akin kasi nasa unahan ang crush kong si Boy....I love you Boy! Siya ang pantasya ko..sa aking mga panaginip....sa aking mga guni-guni ay siya ang aking laging kaulayaw...mahal ko na siya..it must be love...ng biglang batuhin ako ni mam ng eraser at nalagyanan ang haire-ret ko ng chalk...nagmukha akong kringles...not paying attention Cinderella...nagde daydream ka na naman!!!


Hay naku, mapa bahay at eskwelahan lagi na lang akong api...sawi...dinuduhagi...wala na ba akong karapatang mag-exist...bakit...o bakit..tanong ko sayo...oh bakit....bakit nagtitiis...oh bakit???


Pero kahit ganun pa man ang buhay eh go lang ako ng go...

Walang mangyayari kung magmumukmok na lang ako sa isang tabi at magpapatalo sa mga swangit na nang-aapi sa akin...its time to make a change, its time to move on...kilos kilos din pag may time...

So ang ginawa ko...nag aplay ako sa TESDA...nag aral ako ng massage therapy at computer


Makalipas ang ilang buwan ay nakuha ko ang aking certifications...


Nag try akong mag aplay sa Wensha ng massage therapist....indi ako tinanggap...encoder di rin ako qualified...


Nag applay ako sa BDO hinarang ako ng guard...kinapkapan...sabay sabi pare may dala kang sandata...sabi ko...hay naku ingitera...gulat ka no..nakapa mo tatay mo?

Grabe, dami ko ng inaplayan wala man lang tumanggap sakin...


Nag try ako sa bandang Mandaluyong...sa may PNP...pumasok ako sa building...may nakalagay sa pasilyo...Wanted - dead or alive...di rin ako tinanggap.


Nakakafrustrate na...ang layo na ng narating ko....umalis ako ng bahay ng alas kwatro ng umaga....dito pa ako sa may EDSA...sabi ko sa sarili ko pano ako makakauwi ng maaga...tiningnan ko ang MRT...naglalakad ang mga tao sa riles....sa bus -  wala ng pinto ang bus...sa jeep....walang jeep sa EDSA...

hay lalakarin ko na lang ito...sabagay exercise din ito...maganda sa katawan...


Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong lalake...macho....batak....malaman....macharap...


Hinarang ako ni kuya....dumikit siya sa akin...wag kang gagalaw holdap to bulong niya...sabi ko naman...wrong timing ka kuya...wala akong kapera pera...naglakad na nga lang ako eh..parang awa mo na...ganito na lang siguro...nakita mo yung mama na yun..yung may bling bling...mas kikita ka dun..sakin kasi palugi ka...lika samahan kita sa kanya...meet and greet kayo...


Iniwan ako ni kuyang papabol sana kaso talo...

On my way home...minamalas ata talaga ko...may aso akong naka salubong sa daan...


pang mayaman ang aso na to...pitbull


nag greet ang aso sakin....mga sampung tahol..at akma na akong dadaluhungin ng biglang...may sumipol....PRRRRT...Brownie stop that

he wont stand a chance..

Lumingon ako sa pinanggalingan ng pito...at nakita ko ang pinakamagandang lalaki sa balat ng lupa...

My gas....ang sakit ng tyan ko...parang andaming nagtatakbuhang kung ano sa loob nito..ang Pogi ni kuya...hay mama..nasa langit na ba ako?

Okay ka lang? tanong nya sakin...buti di ka nakagat...baka magkarabies itong aso ko..next time wag kang pakalat kalat ha...

Me ganun....ganun? ako na nga yung muntik mapahamak ako pa nasisisi sa mga pangyayaring nagagaganap na ito...


Ayos ka din ha..alam mo gwapo ka sana eh kaso kung anong gwapo mo siya namang pangit ng budhi mo...I hate you... I hate you more....get lost....go now...Go!!!


Syempre major drama ang peg ko...pero pag tingin ko wala na pala akong kausap...ang hambog na yun...
lakas ng loob niya, da height..ibang leveling...

Dami ko namang naranasang mapapait sa araw na ito...naisip ko...ako lang ba ang tao sa mundo at parang lahat ng problema ako na lang ang nakakatanggap...

For God's sake tantanan nyo ako...charing lang!!!

No comments:

Post a Comment